Word of Wisdom From Bro. Eli Soriano in NYC 2005
Hindi naman masamang maging masaya. Unang-una, inutusan tayo ng Dios na maglingkod na may kasiyahan sa Panginoon - Awit 100:2. Baka masaya ka lang dahil may syota kayo ngayon. Dapat yung sinasabi ni
The desire of the flesh - yan ang nauuna sa kabataan. Yan ang naobserbahan ni Salomon - Ecles. 11:9.Pero hatol ang darating kung susundin mo lahat ng maibigan ng iyong kalooban, kaya't ilayo mo ang kapanglawan sa iyong puso, at alisin mo ang kasamaan sa iyong katawan: sapagka't ang kabataan at ang kasariwaan ng buhay ay walang kabuluhan. - Ecles. 11:10. Bakit walang kabuluhan? It is presumed by science to be the most productive years of our lives, from 13-25 years old, we are at the height of our strength, ambitions in life... Bakit sinabi ni Salomon na walang kabuluhan? Ano ba ang nagbibigay kabuluhan sa buhay? -- "Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: Ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kanyang utos sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao." - Ecles. 12:13. Yun lang naman ang nagbibigay halaga sa buhay... "Yung tungkulin"
Yung upuan, kaya lang mahalaga dahil nauupuan. Yung damit pag di mo naisuot, kahit mahal, walang kabuluhan kung di mo nagamit. Sabi ni
Ok lang maging masaya, kung kaalinsabay nito ay ang pagganap ng kalooban ng Dios. Huwag lamang natin dadahilanin ang gawain para sa laman - Gal. 5:13.
Tatagan nyo lang mga kabataan, huwag kayong bibitaw! Lahat ng natutunan natin gawin natin at makikita nyo isang araw, masasabi nyo sa inyong mga anak... "Anak ang buhay ko ay hindi ko sinayang..."
It will not be too long for you to see the promise of our Lord Jesus Christ. Kaunting panahon nalang. Huwag lang kayo magpapakasama. Hindi baleng nagkakasala, huwag lang natin sasadyaing labagin ang aral...
Kayo ang henerasyong makakakita ng pagbabalik ng Panginoong Jesukristo. Kung kayo ay magpapakabuti, you will be the recipient of all the goodness of our God and the coming of our Lord Jesus Christ.
"BAHAGI KAYO NG ISANG GRUPO NA HINDI MATATANGGIHAN NG DIOS!"
0 Comments:
Post a Comment
<< Home