My Bestfriend: An anecdote
Di ko makakalimutan mga araw na ating pinagdaanan
Mga araw na naging daan ng matatag at matibay na pagkakaibigan
Naalala ko pa ng una kitang makita, akala ko mahirap kang makasama
Dahil sa taglay mong ganda at sa mga lagi mong kasama.
Ngunit sa paglipas ng mga araw, Nang ika'y lubos ko ng makilala
Di ko na namalayan na ikaw na pala, ang sa tuwina'y nais kong nakikita
Pag i'kay aking kasama, lubos akong maligaya
Sa iyong mga ngiti, ako'y nabibighani.
Iniisip at laging pinapangarap na sana'y iyong malaman ang tunay na isinisigaw ng pusong laging nagpaparamdam.
Ngunit di ko inaasahan, mga sandali ng kalungkutan,
Nang iyo ng malaman na ikaw ay aking minamahal,
Biglang nagbago ang mabuting pagtitinginan.
Ako'y nilalayuan at pilit na iniiwasan dahil sa kasalanan ng puso na magmahal
Magkaganun pa man, ako'y hindi nagbago at hindi sumuko,
Patuloy na lumalaban ngunit hindi na muling sumisigaw ng pagmamahal,
Kaya't muling nakasama ang kaibigang minamahal.
Lumipas ang mga panahon nga masayang pagkakaibigan,
mga kalokohang kinasangkutan at mga pagtatampong hindi maiwasan.
Hindi ko na namalayan na tayo'y kailangan ng maghiwalay ng daan.
Tahakin ang landas sa labas ng eskwelahan,
Masakit man sa damdamin ngunit patuloy pa ring kinikimkim ang sigaw na pusong nagmamahal
Sa pag-aakalang darating din ang isang araw na iyo ring maiintindihan.
Subalit hindi na dumating ang araw na inaasahan dahil sa ako'y muling nasaktan,
Sa nabalitaan na ika'y nagpatali na sa iyong minamahal,
Ngunit hindi nagpatalo sa sakit na naramdamdaman kaya't muling lumakad na parang wala lang
Subalit ang puso at isip ay nagnanais na ika'y muling makita at makasama
Dalawang taon ang lumipas ng hindi nagkakausap,
Ako'y nagkaroon muli ng lakas dahil sa isang mensahe na natanggap,
Umaliwalas at nagpasalamat ng iyong maalala at gustong makita
Muli sa isang iglap , nanumbalik sa isipan ang mga alaala na pilit na kinakalimutan .
Nang dahil sa mensahe, tayo'y muling naging magkakampi,
Pinag-usapan mga problema na naranasan at mga pagsubok na nalagpasan,
Kaya't muling bumalik at tumatag ang ating pagkakaibigan.
Kahit sino at kahit saan man, ipinakikilala ika'y kaibigang matalik at maaasahan
Di gaya ng dati, nang aking sinabi na ika'y aking itinatangi, ako'y iniwasan.
Ngayo'y hindi na pagkat iyo nang natanggap ang pusong nakikiusap.
Subalit isigaw man sa mundo pag-ibig na na ito,
Hindi na rin mabubuo ang mga pangarap para sa'yo
Subalit dahil sa wagas na pagmamahal na sa iyo'y inilalaan,
Ako'y nagbulag-bulagan kaya't muling nakipagmabutihan kahit saglit man lamang.
Puso'y laging masaya dahil lagi ka nang kasama,
Kaligayahan saiyo ko lang naramdaman,
kinakalimutan kahit sino pa man basta't lagi kang na andiyan.
Dahil sa iyo aking naramdaman kung paano ilabas ang pagmamahal
Na matagal ring itinago at pilit na kinakalimutan.
Subalit sadyang kay-ilap ng kapalaran sa ating dalawa, matalik kong kaibigan.
Pagkat kailangan mo ng harapin ang tunay mong kapalaran,
kapalaran na iyong pinili at kailangang gampanan.
Masakit mang isipin, kailangang tanggapin.
Mahirap mang gawin , kailangang kayanin.
Pagkat iyan ang nararapat at dapat na maganap.
Ngayo'y muli akong aahon at lalakad,
Tatahakin ang landas na sa aki'y nakalaan
Subalit di gaya ng dati na masakit sa kalooban,
Ngayo'y magiging maligaya na at maluwag sa kalooban
Dadalhin ang mga alaala ng mabuting pinagsamahan.
Sa iyo aking matalik na kaibigan
Hinding hindi kita makakalimutan
Balat man ay maging makunat, Edad man ay umangat
Lagi kang iingatan ng pusong nagmamahal
Sa aking paglakad tanging sa iyo lamang ilalaan
Pusong umaasa at muling nangangarap na balang araw ay muli kang makakasama
ngunit hindi na maghihiwalay pa
Maraming salamat sa iyo, Mahal kong kaibigan.